©WebNovelPub
Infinito: Salinlahi-Chapter 62
Chapter 62 - 62
Paglabas ni Margarita ay pinagpatuloy naman ni Ismael ang pagpapausok sa kaniyang kapatid. Nag-usal siya ng dasal at inihip iyon sa bumbunan ng ginang. Ilang beses rin niya itong ginawa, bago ito tuluyang magising.
"Kuya, anong... anong ginagawa ko rito? Anong nangyari, bakit parang ang sakit yata ng pisngi ko?" Tanong ni Silma, nakakunot pa ang noo nito habang inililibot ang paningin. Nang mapatda naman ang mga mata nito kay Esmeralda, napaismid si Silma ngunit hindi ito nagsalita. Kabaligtaran ng ikinilos nito kanina nang sugurin siya ng ginang.
"Tiya, wala ka bang naaalala sa ginawa mo kanina?" tanong ni Esmeralda,
"Ginawa? Bakit ano ba ang ginawa ko?" mataray na tanong ni Silma.
"Inatake mo po ako sa maraming tao kanina, nagwawala kayo sa harap ng ating kababaryo." tugon ni Esmeralda at bakas sa mukha ni Silma ang pagkagulat, lalo lumalim rin ang kunot sa noo ng ginang.
"Hoy, Esmeralda, galit lang ako sa'yo pero hindi ako tanga. Bakit naman ako magwawala sa harap ng maraming tao, ano ako sira? Kuya ano ba ito, pinararatangan ako ng ampon mo, hahayaan mo na lang ba siyang gumawa ng istorya para sirain tayo. Nananahimik na ako ah, naiinis lang ako sa ampon mo pero hindi pa sira ang ulo ko para ipahiya ang sarili ko sa mga kababaryo natin." paliwanag naman ng ginang at doon lang tila nakahinga si Esmeralda.
"Amang, tama ang unang hinala ko, hindi si tiya ang may kasalanan ngayon. May gustong sumira ng araw natin o di kaya naman ay may nagbababala sa atin."
New novel 𝓬hapters are published on ƒreewebɳovel.com.
"Hindi naman talaga ako ang may kasalanan, ano bang ginagawa ko rito? Nasa bahay lang naman ako at naghahanda rin kami ni Roger para sa okasyon mamayang hapon." Wika ng ginang at marahas na napabuntong-hininga si Ismael. Dahan-dahan naman niyang isinalaysay sa kapatid ang mga pangyayari kanina. Nanlalaki naman ang mga mata ni Silma sa nalaman at napatingin pa kay Esmeralda bago umiling at napatingin pabalik kay Ismael.
"Hindi ko alam kuya, ang huling natatandaan ko, kararating lang namin ni Roger sa bahay galing pamamalengke. Hindi ba nga't nag-usap na tayo na kami ni ROger ang bahala sa ibang lulutuin, tapos dumating si Margarita at tinulungan nga niya ako sa kusina. Abala kami kanina at 'yon lang ang naaalala ko." Tila naiiyak pang wika ni Silma.
"Amang, parang may mali, pero sa akin na lang muna ito. Ipagpatuloy po natin ang okasyon ngayon, magmamasid kami ng mga gabay ko. Tiya Silma mas makabubuti kung magsusuot ka ng proteksyon, gawin mo rin ito sa mga anak mo at kay Tiyo. Parang may mali, pero hindi pa ako sigurado." Suhestiyon ni Esmeralda. Natahimik naman si Silma at tila ba nagdadalawang-isip kong susundin ba niya ang payo ng dalaga o hindi.
"Sige na anak, ako na ang bahala rito sa tiya mo, Ikaw naman Silma, bawas-bawasan mo na ang pagdududa mo, hindi naman makasasama sa iyo ang sinasabi ni Esme, kung tama ang hinuha ni Esme, lahat tayo rito biktima, kaya pakiusap lang, laparan mo ang iyong pag-unawa."
Matapos sabihin ni Ismael ang mga katagang iyon ay lumabas na si Esmeralda. Napayuko naman si Silma na tila ba nag-iisip ng malalim.
"Wala talaga akong maalala kuya, bukod doon. Bakit naman ako?"
"Ikaw lang naman ang may matinding galit kay Esmeralda rito, hindi kapani-paniwala kung iba ang gagamitin nila. Kung hindi dahil pinigilan ako kanina ni Esmeralda, siguradong mas matindi pa ang pamamaga ng mukha mo. Aba'y nakakahiya ng ginawa mo kanina, para kang teenager na nakikipagsabunutan sa kaklase mo. Pati ako napaniwalang kaya mong gawin iyon sa harap ng mga tao, si Esmeralda lang itong nagduda na hindi mo makakaya iyon dahil kahit papaano, alam niya na may delikadesa ka."
Mas lalong napalalim naman ang pag-iisip ni Silma dahil sa nalaman. Aminado siyang naiinis siya at galit kay Esmeralda dahil sa nangyari noon, pero nang bumalik si Roger nang buhay, hindi na rin niya gaanong binabato si Esmeralda ng mga masasakit na salita. Ayaw na rin naman niya ng gulo, masa mahalaga sa kaniya na nabawi niya ang taong matagal na niyang inaasam at magkaroon ng ama ang mga anak niya.
"Kuya, naniniwala ka naman 'di ba? Hindi ko talaga alam. Sige, susundin ko ang payo ni Esmeralda, bigyan mo kami ng proteksyon. Ayokong maulit ulit ang pangyayaring ito. Ayokong may isa na namang maparusahan sa amin." natatarantang wika ni Silma. Habang sinsabi ito ay bigla naman siyang ginapangan ng kilabot. Napahawak siya sa braso ni Ismael, bakas ang sindak at takot sa mga mata niya.
"Kuya, nasaktan ko ba si Esmeralda kanina? Paano kung balikan ako ng mga gabay niya? Paano kung mangyari sa akin ang nangyari kay Roger, Kuya, ayokong maparusahan ng mga gabay ni Esme, Kuya tulungan mo ako, pakiusap." Tila noon lang naliwanagan ang ginang sa kaniyang sitwasyon. Tumulo ang masasaganang luha sa mga mata niya habang tumatahip ang matinding kaba sa kaniyang dibdib.
"Huminahon ka, naniniwala akong hindi ka pababayaan ni Esmeralda. Kahit anong gawin mo sa kaniya, kailanman ay hindi siya nanunumbat o nagtatanim ng galit. Kaya pasalamat kay, lumaking mapagpatawad si Esmeralda. Alam niyang hindi ikaw ang may gawa kaya bibigyan ka niya ng hustisya. Sige na, isuot mo ito, ipasuot mo rin iyan sa mag-anak mo. Sabihan mo sila na huwag ipapaalam sa iba. Gusto ko rin namang malaman kung sino ang malakas ang loob na paglaruan ang ating pamilya." Napakuyom ng kamao si Ismael habang si Silma naman ay nagpapahid ng luha. Bagaman huminahon na, hindi pa rin mawala sa kaniya ang takot.
Samantala, nagpatuloy ang kanilang paghahanda, muling nanumbalik ang saya sa bawat isa, napaliwanagan na rin kasi sila ni Esmeralda sa tunay na nangyari kaya naman naunawaan na nila at ang kaninang eksena ay agad na nilang winaglit sa kanilang mga isipan pansamantala.
Sumapit ang tanghali at halos lahat ng putahe ay nailuto na nila, maging ang mga kakanin ay paisa-isa na rin nilang inilalatag sa mahabang mesa na pinagawa pa nila para lang sa okasyong iyon. Naging abala naman ang mga kalalakiha sa paggawa ng mga sulo na gagamitin nila sa pagsapit ng gabi. Itinusok nila ito paikot sa taniman na siyang magsisilbing liwanag naman nila sa paglapat ng dilim.
Eksaktong alas tres nang magsimula na silang magtipon-tipon sa mahabang mesa. Doon ay nag-alay sila ng taimtim na dasal para sa Poong Maykapal. Nagpasalamat sila sa masaganang ani, sa kaligtasan ng kanilang baryo. Napuno ng nakakabinging katahimikan ang buong bukid at tanging boses lang ni Ismael ang nangingibabaw. Matapos ang maluwalhating pagdarasal ay nagsimula na silang pagsaluhan ang handang kanilang inihanda.
Kabilang rin sa nagsaya ang pamilya ni Silma, tila wala namang nangyaring masama sa pagitan nila dahil naging maayos naman ang pagbati nila kay Esmeralda kahit pa may namumuong pagkahiya sa pagitan nila.
Natuwa naman si Armando sa nakikita at masayang nagpasalamat dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay tila nabuo ang kanilang pamilya.
"Maraming salamat amang, masaya po ako sa kaarawang ito, dahil pakiramdam ko ay tanggap na ako ng buong pamilya niyo. Alam kong hindi ito permanente pero, malaki po ang sayang dulot sa akin ng araw na ito." Wika ni Esmeralda. Nang marinig naman ito ng karamihan, tila ba maging sila ay naantig sa mga salitang iyon.
"Pasensiya ka na talaga Esme, aminado akong naging masama amg pagtrato ko sa'yo simula pagkabata. Alam kong napakaraming pagmamalupit ang dinanas mo sa akin. Sana mapatawad mo pa rin ako. Alam kong hindi ka nagtatanim ng sama ng loob. Salamat dahil hindi mo ako sinukuan." Napangiti si Esmeralda sa sinabi ni Silma. Tumango siya at saka tinapik ang balikat ng tiyahin. Maging ang mga pinsan niya ay nangusap rin ng paghingi ng tawad sa kaniya.
Malugod naman itong tinanggap ni Esmeralda dahil wala ng ibang mas mahalaga pa sa kaniya kun'di ang maranasan na buo ang kanilang pamilya.
"Kalimutan na ho natin ang lahat. Natutuwa po akong nakabalok na si Tiyo Roger sa pamilya niyo. Pasensiya na rin po sa ginawa ng mga gabay ko. Hayaan niyo, kapag naging malinaw na ang lahat, babawi ho kami." Wika ni Esmeralda at napaluha naman si Silma. Sandali niyang hinatak palayo si Esmeralda at tinahak nila amg daan patungo sa puno ng mangga, kung nasaan ang mga alay na pagkain ni Esmeralda.
Hindi naman nagulat ang ginang sa nakita dahil minsan na rin niyang nakita ito na ginagawa ng kanilang ama. Napangiti si Silma at napailing.
"Esme, tungkol sa pagbabalik ni Roger. May sinasabi siya sa akin, may mga pagkakataong maybbumubulong sa kaniya, hindi raw niya maintindihan, pero kapag naririnig niya ito, parang may tumutulak raw sa kaniya na hanapin ka o lapitan. Pasensiya ka na kung ngayon ko lang ito nasabi. Hindi ko rin nabanggit ito kay Kuya dahil alam mo na, hindi ganoon kaganda ang trato ko sa'yo. Natatakot ako na baka, hindi ka maniwala at baka ipagtabuyan mo ako. Kung hindi pa nga nangyari ito, hindi ako maglalakas ng loob na makipagbati. Noon pa sana, kaso nauunahan ako ng pride ko, at kapag nakikita kita, kung ano ako noong dati gano'n pa rin ang trato ko sa'yo."
"Naiintindihan ko naman po Tiya. At opo, napapansin ko rin na minsan may kakaiba kay Tiyo Roger, basta Tiya, bantayan niyo lang siya. Hindi pa namin alam ni amang kung sino ba ang kalaban natin. May mga babala na kaming natatanggap pero wala pa rin kaming ideya kung sino ang kaibigan at sino ang kalaban."
"Gano'n ba. Hindi ba tayo mapapahamak diyan? Paano kami ng mga anak ko? Wala kaming alam sa mga ganiyan. Normal na tao lang kami Esme, ayokong may mangyari sa mga anak ko. Kaya nga mahigpit ko na silang sinabihan na iwasang saktan ka ng pisikal, simula ng bumalik si Roger."
"Salamat po Tiya, huwag kang mag-alala, papasundan ko kayo sa aking mga gabay, para may bantay kayo. Para alam ko kung sino ang lalaput sa inyo. Baka kasi isa sa mga iyon ang kalaban natin. Napag-usapan na rin namin ito ni Lolo at amang. Basta ang gawin niyo lang, isuot ang pangontra sa inyong katawan kahit sa paliligo." Payo ni Esmeralda at sunod-sunod na napatango si Silma.