Infinito: Salinlahi-Chapter 57

If audio player doesn't work, press Reset or reload the page.

Chapter 57 - 57

Nang makita ni Esmeralda na nakalayo na ang kanilang mga kasama ay ibinaling naman niya ang atensyon sa kalaban nila.

Visit fгee𝑤ebɳoveɭ.cøm for the best novel reading experi𝒆nce.

Patuloy ito sa pagbigkas ng mga usal. Marahil ay para tawagin ang sino mang gumagabay rito. Kinuha naman ni Esmeralda ang pagkakataong ito upang ilapat ang sinasabi ni Liyab sa paligid, paikot sa kinaroroonan nila.

Nang matagumpay itong matapos ni Esmeralda ay nilapitan naman niya si Dodong upang magsilbing kalasag ng bata habang wala pa sa kasalukuyan ang huwisyo nito.

Ayon kay Liyab, habang binabanggit ni Dodong ang ritwal ay hindi nito magagawang protektahan ang kaniyang sarili. Mabuti na lamang at mas nauna na nilang natapos ang mga alagad ni Antonio, kaya ang tanging pagtutuunan na lang ni Esmeralda ng kaniyang atensyon ay ang mga panibagong alagad ni Antonio na ipapadala ng gabay nito.

Nang maglaon, lumitaw mula sa anino ng mga guho ang tatlong nilalang na may mga matang nagliliyab sa galit. Tila usok ang mga katawan nito mula sa ibaba habang solido naman ang pang-itaas ng mga ito. Hindi ordinaryo ang mga ito— taglay nila ang kapangyarihang hinango mula sa itim na mahika, at bawat hakbang nila ay tila nagdadala ng sumpa sa lupa. Nangatuyo ang mga damo, maging ang lupa ay nabibitak sa pagkatigang. Animo'y hinihigop nito ang mga buhay ng anomang maapakan at mahawakan nito.

"Esmeralda, huwag mo silang hayaang lumapit kay Dodong!" sigaw ni Liyab habang iginuguhit ni Dodong sa lupa ang huling bahagi ng ritwal. Alam niyang anumang pagkakamali ay maaaring humantong sa kanilang pagkabigo at ikakapahamak nila iyon, maging ng buong sangkatauhan.

Hindi nag-atubili si Esmeralda,dahil nahaharap sa mapanganib na sitwasyon ay may naging determinado ang kaniyang bawat galaw at desisyon. Mabilis siyang sumalakay, hinugot ang punyal na inukitan ng mga sinaunang dasal. Naglikha ng liwanag ang ukit na iyon sa talim ng punyal niya. Isa-isa hinarap ng dalaga ang mga nilalang, umaasang mabibigyan niya si Dodong ng sapat na oras upang matapos ang ritwal.

Ngunit biglang may humaginit na isang patalim mula sa hangin, umatras siya at saktong dumaan ang patalim na iyon sa mukha niya. Napalingon siya sa pinagmulan nito at isang lalaki ang nakita niya.

Si Regan.

Nakangisi ito habang may hawak pang isang patalim. Nanlilisik ang mga mata nito habang masamang nakatingin sa dalaga. Gulat at pagtataka ang agad na namutawi sa mukha ni Esmeralda. Paanong naroroon si Regan gayong kasama siya nina Loisa nang umalis kanina.

"Regan?" aniya, hindi makapaniwala sa nakikita. "Anong ginagawa mo rito?"

Ngunit sa halip na sumagot, lalo lamang lumalim ang ngisi ni Regan. Ibinato niya ang pangalawang patalim, kinailangang muling umiwas ni Esmeralda. Dumaplis iyon sa braso ng dalaga at tumusok ito sa puno sa likuran niya, tumagos hanggang kalahati ng talim.

"Kakaiba ka talaga Esmeralda, pero nakatutuwang isang tulad mo nag magpapabagsak kay Antonio."

Napakuyom ng kamao si Esmeralda. May kakaiba sa kilos ni Regan—parang hindi na siya ang taong nakilala niya. Ang kanyang mga mata, na dati'y may bahid ng init at kakulitan, ngayo'y puno ng dilim.

"Regan... ano'ng nangyayari sa'yo?" tanong niya, pilit hinahanap ang dating anyo ng kaibigan ni Loisa.

Ngunit imbes na sumagot, mabilis na sumugod si Regan, bumunot ng isa pang patalim at inundayan siya ng matalim na saksak. Nagsalubong ang talim ng kanilang mga sandata. Kakiaba ang lakas na pinapamalas ng binata, tila hindi normal para sa isang taong katulad niya.

Nagpambuno sila, parehong walang nais magpatalo. Sumasabay sa bawat pag-atake ni Regan ang makadem*nyo nitong tawa. Noon lang din napansin ni Esmeralda ang itim na usok na nasa paanan nito.

Napalingon siya nang marahas sa kinaroroonan ng tatlong nilalang at tama nga siya, dalawa na lamang ang naroroon, ang isa ay paniguradong sumapi na sa katawan ni Regan, kung paano ay hindi niya alam. Isa lang ang sigurado, hindi niya maaaring saktan nag katawang lupa ni Regan.

Napalatak si Esmeralda, bahagya pang napamura dahil sa kinahaharap na problema. Habang nakikipaglabna si Liyab sa dalawang anino na iyon, siya naman ay umiiwas sa mararahas na pag-atakeng ginagawa ni Regan.

"Hoy, Regan, alam kong naririyan ka pa at naririnig mo ako. Labanan mo ang nilalang na iyan, dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang-isip na saktan ang katawan mo." Sigaw ni Esmeralda. Ang totoo, hindi niya alam kung may ulirat pa bang natitira sa katawan ni Regan o tuluyan na siyang sinakop ng nilalang na sumanib sa kaniya.

Hindi sumagot si Regan, bagkus ay mas naging marahas ang bawat pag-atake nito. Makailang beses pa niyang pinagtangkaang ibalibag si Esmeralda ngunit mabilis iyong nakokontra ng dalaga. Hanggang sa may naamoy siyang kakaiba na nagmumula sa katawan ni Regan.

Amoy na maihahalintulad niya sa isang nabubulok na laman.

Napasinghap si Esmeralda, bahagya siyang umatras habang pinagmamasdan ang anyo ni Regan. Hindi ito ang dating lalaking nakilala niya— ang kanyang balat ay nagsimulang magkaroon ng maitim na bitak, at sa bawat pagkilos nito, tila may usok na lumalabas mula sa kanyang katawan.

"Regan... ano ka?" mahina ngunit mariing tanong ni Esmeralda, nanatiling nakahanda sakaling muli itong sumugod.

Sa halip na sumagot, isang malutong na halakhak ang lumabas sa bibig ng lalaki. Ngunit hindi iyon tunog tao—bagkus, isa iyong malalim at matining na tunog, tila mula sa isang nilalang na matagal nang nakakulong sa kadiliman.

"Matagal nang patay ang katawang ito," anito sa isang basag at malamig na tinig. "Isa lamang siya sa manikang aming inihanda para sa gabing ito at oras lang ang hihintayin, lahat silang naninirahan rito, lahat ng kaluluwa nila ay mapapasaamin."

Nagsimulang lumamig ang paligid. Ramdam ni Esmeralda ang paggapang ng takot sa kanyang katawan, ngunit hindi siya maaaring umurong.

Hindi ngayon.

Hindi sa harap ng isang nilalang na alam niyang nabuo dahil sa kadiliman at kasamaan.

Pagkabahala para sa grupo ni Loisa ang agad na rumihestro sa mukha ni Esmeralda. Naggitgitan ang mga ngipin niya dahil sa galit. Maya-maya pa ay tila isang kidlat na kumilos si Regan, kisapmata lamang ang pagitan nang lumitaw ito sa harap ni Esmeralda. Sa kabutihang palad,mabilis na nakakilos si Liyab at sa isang makapal na baging tumama ang tulis ng patalim nitong isasaksak sana sa dalaga.

Sa isang mabilis na pagkilos, niyakap ni Liyab ang dalaga at bahagyang inilayo sa nilalang habang sinusubukan nitong alisin ang patalim sa mga baging na nasaksak nito.

"Mag-iingat ka, huwag kang magpapadala sa emosyon mo, nakakalimutan mo na naman ang mga paalala ko. Kasama nila si Mateo at alam na niya ang gagawin niya." Wika ni Liyab at hinaplos ang pisngi ng dalaga. Tila nahimasmasan naman si Esmeralda at agarang tumango. Nawala ang pag-aalala sa mukha niya at saka naman binalingan ng seryosong tingin ang nilalang.

"Ibig sabihin ang nakaharap namin noon, hindi na siya?"

"Oo, napag-alaman namin iyon dahil isang itim na engkanto ang aming nahuli habang ginagawa namin ang misyon. Nagplano kmai ni Mateo at alam naming aabot sa ganito. Ang pagsang-ayon niya sa utos mo ay kasama sa plano. Huhulihin niya ang mga nagpapanggap, siguradong magtatagumpay siya dahil may ibinigay akong makakatulong sa kaniya." Tugon ni Liyab.

Dahil sa nalaman, muling nakontrol ni Esmeralda ang kaniyang nararamdaman. Tama si Liyab, hindi siya makakalaban kung paiiralin niya ang emosyon niya. Hindi niya kailangan ang mag-alala. Ang kailangan lang niyang gawin ay magtiwala sa mga kasama niya.

Sa pag-ihip ng malakas na hangin, isang nagliliwanag na kadena ang lumitaw sa harapan ni Dodong, kapares iyon ng kadenang hawak kanina ni Liyab. Sa pagkakataong iyon, matagumpay na natapos ni Dodong ang ritwal, isang matangkad na babae ang lumitaw sa tabi nito hawak ang kadena.

Umaalon ang buhok nitong nagliliwanag habang ang damit nitong tila hinabi gamit ang mga berdeng dahon ay kumikislap na animo'y nababalutan ng hamog sa umaga.

Malaperlas ang kinang ng balat nito at isang mabangong halimuyak ang agad na bumalot sa buong paligid.

"Sumuko ka na, Amagorong, ang pagkukubli mo sa katauhan ng nilalang na iyan ay hindi permanente, nasasakdal ka sa mundo ng mga engkanto at marapat lang na iyo itong pagbayaran." Ang malamyos ngunit madiing boses ng babaeng engkanto ang umalingawngaw sa paligid. Banayad ngunit mababanaag mo ang kariinan ng pinupunto nito.

Humalakhak si Antonio, ang kaninang maladem*nyong mukha niya ay mas lalo pang naging dem*nyo. Umusli ang nangingitim nitong mga sungay sa ulo, dumilim ang kaninang kulay abo nitong balat habang naguumbukan ang naglalakihang ugat. Kumulubot rin ng bahagya ang balat sa noo nito dahilan para mas maging nakakatakot ang kaanyuan nito.

"Sinasabi ko na nga ba, Dumara ang nauuna sa hanay ng mga lakan ni Kalantiao. Hinding-hindi ako magpapahuli, nakalabas na ako, naranasan ko na ang buhay sa napakagandang mundong ito," angil ng nilalang, hinugot nito mula sa ilalim ng lupa ang isang itim na balaraw.

"Dumara, magsanib puwersa na tayo upang mahuli natin ang nilalang na iyan." Wika ni Liyab habang iginagapos ang tatlong aninong pinakawalan ni Antonio. Sa pagkakataong iyon, napagtagumpayang talunin ni Esmeralda ang aninong kumokontrol sa katawan ni Regan, bumagsak ang katawang lupa ni Regan at nagsimula na itong maagnas ng tuluyan. Doon lang napatunayan ng dalaga na matagal na talaga itong namayapa at marahil, kabilang na rin ang kaluluwa nito sa mga kaluluwang nakita niyang nakakadena sa ilog.

"Liyab, sige, para sa mga kapatid nating nabiktima niya. Para sa mga taong naging sakripisyo para sa baluktot niyang hangarin at para sa sinira niyang kagubatan at mga hayop na kaniyang pinahirapan." Sang-ayon ni Dumara. Inihampas nito sa lupa ang bitbit na kadena na siya ring ginawa ni Liyab, naglikha iyon ng nakakabinging dagundong at bitak sa lupa.

RECENTLY UPDATES