Infinito: Salinlahi-Chapter 53

If audio player doesn't work, press Reset or reload the page.

Chapter 53 - 53

Napangiwi si Esmeralda at agad na hinarap ang matanda at ang mga alaga nito. Alam niyang mga umatraka ang mga iyon— mabibilis at mapanganib ang mga ito na kung hindi siya mag-iingat ay paniguradong madedehado siya.

"Mukhang hindi ka pangkaraniwan ineng, hindi na ako nagtataka kung bakit nagustuhan ka ng aming panginoon." muli ay wika nito. Umayos naman ng tayo si Esmeralda at sinamaan ng tingin ang matanda at ang mga alaga nito.

"Panginoon? Sinong panginoon?" takang tanong niya habang ang mga mata niya ay nakatuon sa mgha umatrakang kasama ng matanda. Alam niyang mabibilis ang mga ito at patraydor kung umatake, isang barangan ang kaharap niya kaya hindi siya maaaring magpabaya.

"Nakita mo na siya, nakausap at nakasama. Magbubulag-bulagan ako sa aking nakita. Pangahas ang isang iyon para pag-interesan ang babaeng para sa panginoon kaya nararapat lang ang ginawa mo sa kaniya." wika nito at napangisi naman si Esmeralda. Bahagya siyang napakamot sa ulo at natawa. Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang punyal at itinutok ito sa kaharap na matanda.

"Wala naman akong dapat itago, siguro nga ito na ang tamang oras. Nakakasuka ang lugar na ito, ang dating napakagandang kagubatan ay nagmistula na lang na tapunan niyo ng mga taong biktima ninyo, at hindi ko iyon mapapatawad." Wika ni Esmeralda. Mabilis siyang tumakbo patungo sa matanda at binigwasan ito ng saksak gamit aang kaniyang punyal.

Subalit bago pa man siya makalapit rito at sabay-sabay namang umatake sa kaniya ang mga umatraka. Dahil higit na maliliit at mabibilis at naunahan siya ng mga ito. Kalmot at kagat ang salitang dumampi sa balat ni Esmeralda ngunit hindi siya nagpadaig sa mga ito hanggang sa mapabagsak nga niya ang iilan sa mga alaga nitong umatraka.

The source of this c𝐨ntent is freёnovelkiss.com.

"Ang mga umatraka ko," sigaw nito, nanlilisik ang mga matang napatitig ang matanda sa gawi niya habang may kung ano itong binubulong sa hangin. Mayamaya pa ay tila nakaramdam siya ng pagkirot sa kaniyang tiyan. Nagtataka pa niyang nilingon ang matanda at nakita niyang nakaturo ito sa kaniya.

"Imposible!" Sambit ni Esmeralda at mabilis na inatake ang matanda ngunit bago pa man niya magawa ay bumagsak nang hindi sinasadya ang kaniyang katawan sa lupa. Namilipit siya sa sakit ng tiyan at pakiramdam niya ay hinahalukay ito. Ipinilig pa niya ang ulo habang tila hindi makapaniwalang naaapektuha siya ng kapangyarihan nito. ISa lang ang ibig sabihin nito, isang malakas at ,mataas na uri ng barangan ang matanda, nakakaya niyang bigyan ng sakit ang mga tao kahit hindi niya ito nahahawakan o hindi nakukuhaan ng ano mang parte o bagay na nanggaling sa katawan ng kaniyang biktima.

"Wala pang nangahas na saktan ang mga umatraka ko, napakalakas ng loob mong saktan at patayin sila gayong isa ka lang ding tao. At ang mga katulad mo, pagkain lang para sa amin." sigaw ng matanda. Lumapit ito sa dalaga at marahas siyang sinipa.

"Kung hindi ka lang gusto ng panginoon, ay ngayon pa lang ay inuuod ka na. Pero dahil isa kang birhen, magiging lamang tiyan ka niya at siya na ang hihirangin pinakamalakas sa lahat." Tumatawa pang wika ng matanda. Marahas na hinablot ng matanda ang kaniyang buhok at hinatak siya nito patungo sa tabi ng ilog. Doon ay walang awa siyang inilublob ng matanda sa tubig at kitang-kita niya ang mga katawang nakalubog roon.

"Nakikita mo ba ang mga iyan? Iyan ang mga taong walang ginawa kun'di ang tumaliwas sa pamumuno ng aming panginoon. Lahat sila ay naging alaala na lamang at ang mga natitira ay paniguradong mapapasam rin sa kanila sa susunod na kabilugan ng buwan. Lahat sila ay magiging handa sa piging na gaganapin , lahat sila magiging pagkain namin."

Nanghilakbot si Esmeralda sa nalamang. Wala palang kaalam-alam sina LOisa sa tunay na hangarin ng hanagob sa kanila. Laht sila magiging pagkain, ibig sabihin, itinira silang malalakas upang maging pagkain lang ng mga aswang na naririto. Dahil sa nalaman, hindi na ininda ni Esmeralda ang pananakit ng kaniyang tiyan. BUong lakas siyang tumayo atibinalibag ang matanda. Tumilapon ito sa tubig at halos malunod dahil sa pagkagulat.

Walang ng inaksayang oras ang dalaga, hinablot niya mula sa tubiga ng matanda at muli itong ibinalibag pabalik sa lupa., Walang ano-ano'y tila naging isang hangin ang dalaga at sa isang iglkap at nasa harapan na siya ng matanda. Nanlalaki ang mga matang napatitig ang matanda kay Esmeralda at sa pagkakataong iyon ay may nakita siya sa mga mata nito na siyang nagpagulat ng husto sa kaniya.

"Hindi ka ordinaryo? Isa kang— " hindi na naituloy ng matanda ang kaniyang sasabihin nang mabilis na inikot ni Esmeralda ang leeg nito. May kung anong lumagutok roon at lupaypay na bumagsak ang matanda sa lupa nang wala ng buhay. Maging ang mga natitriang umatraka nito ay pinagkikitilan niya ng buhay. Wala siyang itinira at lahat ng napaslang niya ay itinapon niya sa ilog bilang alay sa mga buhay na naputol na naroroon.

"Gusto mo ng laro? SIge, pagbibigyan kita," naibulong ni Esmeralda bago dinampot ang punyal sa lupa at nagmamadali nang bumaba sa gubat. dumidilim na, ngunit tulad ng dati ay malinaw niyang naaaninag ang daan kahit pa kakarampot lang na liwanag ang nasisilayan niya.

Bandang alas siyete nang dumating siya sa bayan, wala ng tao sa labas at lahat ng bahay ay nakasarado na. Napabuntong-hininga si Esmeralda at dali-dali nang pumasok sa bahay na tinutuluyan nila. Doon ay nakita niya si Loisa na tila balisang naghihintay sa kanila. Wala si Dodong sa loob ng bahay at tanging ito lamang ang naroroon.

"Esme, anong nagyari, bakit ganiyan ang itsura mo?" tanong ni Loisa, nagkukumahog itong lumapit sa kaniya at mabilis siyang inalalayan para makaupo.

"Ano bang nangyari, bakit hindi ka na nakabalik, ang buong akala ko nakuha ka na, si Dodong bigla rin nawala kanina."

"Maghanda ka Loisa, sabihan mo ang mga kasama mo, oras na para lumaban kayo. Wala silang ititira, lahat kayo ay magiging pagkain lang ng mga aswang sa kabilugan ng buwan. Tipunin mo sila rito, at ipapaliwanag ko ang lahat."

Dahil sa sinabing iyon ni Esmeralda ay dali-daling lumabas ng bahay si Loisa. Pagbalik nito ay nakasunod naman sa kaniya ang iba pang mga kalalakihan. Nasa walong kalalakihan at tatlong babae ang kasama ni Loisa.

"Ito na ba ang lahat?" Tanong ni Esmeralda at iniikot ang paningin sa mga naroroon. Agad namang napatda ang tingin niya kay Paeng na nooy malalim ang pagkakakunot ng noo.

"Ano 'to Loisa? Kapag nalaman ito ng hanagob, siguradong lahat tayo mapapahamak." si Regan ang unang bumasag ng katahimikan. Halata rin sa iba ang takot at pangamba ng ginagawa nila ngayong pagtitipon-tipon.

"Kahit hindi naman tayo magtitipon-tipon, lahat pa rin tayo mapapahamak. Makinig na lang muna kayo, kung nais niyo pang mabuhay at mabawi ang bayan natin, tumahimik kayo at intindihin niyong mabuti ang mga sasabihin namin." wika ni Loisa. Nang tumingin naman si Loisa sa kaniya ay agad nang sinimulan ni Esmeralda ang kaniyang mga sasabihin.

Pagtataka, pagkabigla, ito ang iilan lamang sa mga ekspresyong nakita niya sa mga naroroon. Wala ni isa man sa kanila ang umimik, lahat ay tila naguguluhan.

"Sino ka ba, bakit ka nangingialam sa amin? Maayos naman ang lahat, pero nang dumating lang kayo, may gan'yan nang nangyayari? Ano 'to Loisa, pati ba ikaw napaniwala na ng babaeng ito? Nangako ang hanagob sa atin na palalayain niya tayo sa oras na mabigyan natin siya ng mga birheng babae sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan, at ito na ang panghuli." wika ni Regan habang masamang nakatitig kay Loisa.

"Hindi totoo ang pinangako niya," giit ni Esmeralda.

"At paano mo nasabi? Hindi kaya nililinlang mo lang kami para mailigtas mo ang iyong sarili? Nasaan na ang kapatid mo? Pinauna mo na bang patakasin?" tanong ni Regan, agad na nagkatinginan ang mga naroroon, tila ba mas kumbinsido sila sa mga sinasabi ni Regan. Napangisi naman si Esmeralda at agad na kinuwelyuhan ang lalaki.

Nagulat pa ito dahil sa kakaibang lakas na pinamalas ng dalaga, halos mapasubsob sa ere ang ulo niya dahil sa paghatak ng dalaga.

"Takas? Kung may balak akong tumakas, wala ako ngayon sa harapan niyo. Napakadali lang para sa akin ang lisanin ang lugar na ito nang hindi napapansin o nasusundan ng kinatatakutan niyo. At para naman sa kapatid ko, malalaman mo mamaya kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa niya. Loisa, maghanda ka, at kayo, mamili kayo kung sino ang paniniwalaan niyo. Kung may natitira pang dugo ng manunugis sa pagkatao niyo, damputin niyo ang mga sandatang matagal na ninyong kinalimutan at lumaban kasama kami. Kung ayaw niyo naman, maghintay na lang kayo ng mga sundo niyo para payapa kayong maisalang sa kawa ng mga aswang." Wika ni Esmeralda at marahas na binitawan si Regan.

Nang mga oras na iyon, humakbang si Paeng at nilapitan si Loisa.

"Totoo ba? Lalaban na tayo? Natauhan ka na rin?" tanong ni Paeng, nagtutubig pa ang mga mata nito habang diretsong nakatitig sa mga mata ni Loisa. Nang tumango ang dalaga ay awtomatikong sumilay ang ngiti sa binata at niyakap ito.

"Isa ka pa, nahihibang na kayong lahat. Bahala kayo, basta ako, hindi ako makikisali sa inyo." sigaw ni Regan at mabilis nang lumabas ng bahay.

"Matigas talaga ang ulo ng lalaking iyon, pero natutuwa ako Loisa dahil ito na yata ang pinakamagandang naging desisyon mo," wika ni Paeng matapos ang isang mahigpit na yakap. Napaangat pa noon ang kilay ni Esmeralda at lihim na napangiti sa mga ito. nang makapagdesisyon na ang lahat, ay inilatag na ni Esmeralda ang magiging plano nila.

"Biglang nawala si Antonio, at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon. Isa lang ang sigurado, sa oras na malaman niyang napatay ko ang isa sa mga tauhan niya at ang isa niyang barangan ay magkaka-ideya na siya sa kung sino ang gumawa nito." salaysay ni Esmeralda. Naging mahaba ang kanilang pag-uusap nang mga gabing iyon, at halos hindi sila nakatulog sa pangamba na baka bigla silang salakayin ng mga aswang. Ngunit ang inaasahan nilang iyon ay hindi nangyari, bagkus ang inaasahan nilang bisita ay nagpakita sa kanila, kinabukasan na.