Infinito: Salinlahi-Chapter 52

If audio player doesn't work, press Reset or reload the page.

Chapter 52 - 52

Samo't saring mga katawan ang kaniyang nakita. May matatanda, bata, binata at dalaga. Nay iilan din siyang sanggol na nakita at bawat isa ay bukas ang tiyab at wala ng puso at laman-loob. Agnas na rin ang mga katawan at dahil nakababad sa tubig ay tila namamaga ang mga ito habang paunti-unting kinakain ng mga uod na naroroon sa tubig.

Mayamaya pa ay umahon na si Esmeralda at inikot ang parteng iyon hanggang sa talon. Magjng doon ay kitang-kita niya ang mga katawang tila itinapon na lamang roon. Tahimik siyang nag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga itong, nakakadena sa mga katawan nila.

Wala silang katahimikan, naghuhumiyaw ang mga kaluluwa nilang humihingi ng tulong— nagmamakaawang palayain na sila.

Lihim na naikuyom ni Esmeralda ang kaniyang kamao habang tahimik na nangangako sa mga ito.

"Nagustuhan mo ba ang lugar na ito?"

Napalingon si Esmeralda nang marinig ang baritono nitong boses.

"Oo, napakaganda rito, sayang at hindi ito nakita ni Dodong." Tugon niya at ngumiti ng ubod nang tamis sa binata.

"Pasasaan ba't makikita rin niya ang lugar na ito. " Makahulugang wika ni Antonio. Hindi naman ito binigyang pansin ni Esmeralda at nagkunwaring tumitingin sa malinis na tubig ng ilog. Nang mapadaan ang kaniyang paningin sa itaas ng talon ay doon niya nakita ang mas nakakagimbal pang tanawin.

"Bakit may problema ba?" tanong ni Antonio kay Esmeralda. Maang na napalingon ang dalaga at napangiti. Ikinubli niya sa kaibuturan ng sistema niya ang nararamdaman niyang poot at galit.

"Wala naman, iniisip ko lang kung gaano ba kataas ang talon na ito, grabe ragasa ng tubig at halatang malinis," wika niya habang pilit na itinatago ang panginginig ng kaniyang kamay.

"Mabuti naman at nagutsuhan mo rito, halika doon tayo, mayro'n akong kubo roon na madalas kong tambayan kapag nagagawi ako rito habang nangangaso." aya ni Antonio. Nang tumalikod ang binata ay nagpakawala naman ng buntong-hininga si Esmeralda, para pakalmahin ang sarili niya. Ayaw niyang mangibabaw ang galit niya ng mga oras na iyon dahil alam niyang hindi pa napapanahon. Hindi pa sila handa at kailangan pa niyang makumpirma kay Dodong kung natapos na nito ang ibinigay niyang misyon, bago pa man siya kumilos.

Dinala nga siya ng binata sa isang maliit na kubo na napapalibutan ng makukulay na bulaklak. Tahimik na napalatak si Esmeralda, kung normal siyang tao ay siguradong mamamangha siya dahil sa ganda ng paligid niya, pero dahil isa siyang taong bukas ang ikatlong mata, kitang -kita niya kung ano ang totoo. Walang kabuhay-buhay ang paligid, maging ang mga puno at halaman ay tila pinagkaitan ng pag-usbong. Hinatak naman siya ng binata patungo sa loob ng kubo at nakita niya sa gitna nito ang samo't saring prutas na nasa basket na nakapatong sa ibabaw ng isang maliit na mesa.

Prutas iyon sa unang tingin, ngunit sa mga mata ni Esmeralda, litaw na litaw ang wangis ng nabubulok na mga karne at inuuod na lamang-loob.

"Hindi ka na dapat nag-abala Anton, salamat sa pagsama mo sa akin rito. Akala ko talaga ay hindi kami masisiyahan sa pananatili rito, ngunit hindi kami nabigo ng kapatid ko. Napakaganda ng lugar niyo." Puri ni Esmeralda.

Dinampot niya ang isang mangga at nagkunwaring inamoy-amoy iyon na tila nababanguhan pa bago ito muling binalik sa basket. Tila nasiyahan naman ang binata sa ginagawa ng dalaga. Lalo pang lumapad ang ngiti nito nang sumalampak sa papag si Esmeralda at pinagmasdan ang binata.

"Natutuwa akong nagustuhan mo. Kumain ka lang kung nais mo, para talaga sa'yo iyan." Wika ng binata.

Umiling si Esmeralda at ngumiti.

"Mamaya na, nais ko munang magpahinga, ang haba ng nilakad natin at isa pa medyo inaantok na rin naman ako. Ayos lang ba kung umidlip ako saglit?" Tanong ng dalaga.

"Oo naman, matulog ka lang diyan, babantayan naman kita." Malamyos ang boses nito.

New novel chapt𝒆rs are published on ƒгeewebnovёl.com.

"Salamat." Tugon ni Esmeralda at saka ipinikit na ang mga mata. Bagaman hindi niya nakikita alam niyang nakangisi ngayon ang binata habang pinagmamasdan siya.

Alam niyang hindi ito gagawa ng aksyon ngayon kaya naman panatag siyang umidlip sa lugar na iyon.

Ilang oras din siyang nagbawi ng lakas ang katawan niya habang ang utak niya ay patuloy na nag-iisip ng mga bagay na kailangan niyang gawin.

Halos hapon na nang magmulat ng mata si Esmeralda. Agad niyang napansin ang nawawalang presensiya ni Antonio sa lugar. Bumangon siya at agad na inilibot ang paningin roon. Dahil papalubog na ang araw, unti-unting nagbabago ang ihip ng hangin doon.

Malagkit na maalinsangan ang pakiramdam ni Esmeralda. Agad niyang hinawakan ang punyal na nakatago sa ilalim ng kaniyang kamiseta bilang paghahanda.

"Nalintikan na, mukhang hindi na siya makapaghintay pa. Sana lang talaga, nagawa ni Dodong ang pinapagawa ko sa kaniya." Mahinang bulong ni Esmeralda.

Umihip ang maalinsangang hangin at agad siyang naging alerto nang makarinig ng mga angil sa paligid.

"Anton, nasaan ka?" Tawag niya at umaktong natatakot. Alam niyang may nagmamasid sa kaniya nang mga oras na iyon. Dinig na dinig niya ang makakapal na hininga ng mga nilalang at ang mabababang angil na nagmumula sa lalamunan ng mga ito.

"Akala ko ba babantayan mo ako, bakit mo ako iniwan?" Sigaw niya, dahan-dahang lumulubog ang araw at unti-unting lumalatag ang kadiliman sa lugar.

Nang tuluyan nang namayani ang dilim doon na mas nging agresibo ang mga tunog na naririnig ni Esmeralda. Patuloy siyang nagkunwaring takot upang malinlang ang mga aswabg at lumabas ang mga ito sa kanilang pinagtataguan.

Kasalukuyan pa rin niyang tinatawag ang pangalan ni Antonio nang isang malaking nilalang ang tumalon papalapit sa kaniya. Natumba siya sa lupa at dumagan sa kaniya ang mabigat nitong katawan. Umaalingasaw ang amoy nito, madulas na tila may malapot na kung anong nakakapit sa balat ng nilalang.

Nandidiring itinulak naman ni Esmeralda ang nilalang na ikinagulat nito. Umaangil itong nanlalaki ang mga mata— tila hindi makapaniwala dahil sa lakas na pinamalas ng dalaga.

Nang pagkakataong iyon, inilabas na ni Esmeralda ang kaniyang punyal at mabilis na sinunggaban ang aswang. Nang makubabawan niya ito ay walang pagdadalawang-isip niyang ginilitan ang leeg ng nilalang. Ngunit bago pa man niya magawa ito ay nahawakan ng nilalang ang damit niya at malakas siyang hinatak nito bago siya marahas na ibinalibag sa lupa.

Napasigaw si Esmeralda nang lumpat ang likod niya sa lupa. Napakalakas ng pagkakabalibag ng aswang sa kaniya at halos panawan siya ng ulirat nang mga oras na iyon.

"Walanghiya ka," inis na sigaw ni Esmeralda, bumangon siya at muling dinampot ang punyal na dala, bago ito marahas na hinagis sa nilalang. Tinamaan nito ang kaliwang mata ng nilalang at kinuha ni Esmeralda ng pagkakataong iyon upang malapitan ito. Habang nagwawala sa sakit ang nilalang ay hinugot niya ang punyal at muli itong isinaksak sa kanangata nito. Dahilan upang bumagsak sa lupa ang aswang habang namimilipit sa sakit.

Nang mga oras na iyon ay tila ba umakyat sa ulo ni Esmeralda ang galit na kanina pang gustong kumawala sa kaniya. Gamit ang punyal ay walang habas niyang sinaksak ang leeg ng nilalang hanggang sa tuluyan na nitong mailuwa ang mutya at mawalan ito ng buhay.

Bago pa man bumagsak nagbkatawan nito sa lupa ay muli siyang nakarinig ng kaluskos at mga angil. Matitinis lang ang mga ito at tila ba nagmumula sa nilalang na mas maliit pa sa kaniya. Nang lingunin naman niya ang pinanggalingan ng unog ay doon niya nakita ang isang matandang hukluban— uugod-ugod itong naglalakad papalapit sa kniya. Bagaman bakas sa mukha nito ang katandaang tila ba nilimot na ng panahon, bagaman uugod-ugod na ay nananatiling malakas ang tindig nito. Sa magkabilang gilid naman ng matanda ay ang mga alaga nitong tila ba mga kuneho na parang aso.

"Ikaw pala ang napupusuan ng aming panginoon, tamang-tama kang maging alay sa darating na kabilugan ng buwan. Isang birhen na may kakayahang lumaban. Nakakatuwa naman, pero ineng, kung ako sa'yo maging masunurin ka na lamang at ipaubaya mo na sa amin ang iyong katawan." Humagikgik ito na parang bruha, lumitaw ang nangingitim nitong mga ngipin at tila may kung anong gumagalaw pa roon.