©WebNovelPub
Infinito: Salinlahi-Chapter 49
Chapter 49 - 49
Dahil tanghali na ng dumating sina Esmeralda doon ay kumain na rin sila ng baon nila sa loob ng bahay.
Updat𝓮d fr𝙤m ƒгeeweɓn૦vel.com.
"Ate, kailan kaya natin makikita ang hanagob? Nasasabik na kasi akong masilayan ang anyo niya at kung gaano ba siya kalakas. Ewan ko ba, parang kumukulo ang dugo ko habang naiisip kong makakaharap natin siya. " Wika ni Dodong sa mahinang boses.
"Ako nga rin eh. Pero mukhang sa kabilugan ng buwan, kaya dapat handa tayo sa araw na iyon." Tugon naman ni Esmeralda.
"Ate, mga tao naman sila lahat dito, pero napansin mo ba, ang dami nilang mga latay at sugat. Kahit si Ate Loisa, pansin ko may iniinda siyang sugat sa tiyan niya."
"Tama ka Dong, kailangan natin siyang makausap, kahit siya lang, hindi ito puwedeng malaman ng kahit sino sa mga kasama niya. Ang bilin ni Lolo Goryo, huwag magtitiwala sa iba bukod sa berdugo." Saad pa ni Esmeralda. Tumango nang nakakaintindi si Dodong habang nilalantakan ang pagkain niya.
"Kamusta na kaya si Kuya Mateo, sana nakakita sila ng mapagtataguan ni Kuya Liyab. Mapanganib pa naman ang gubat dahil baka nag-iikot doon ang mga alipores ng hanagob."
"Huwag kang mag-alala. Malakas ang kuya Mateo mo, at isa pa kasama niya si Liyab, siguradong makakahanap sila ng matataguang luhar na hindi maaamoy ng mga aswang."
Matapos kumain ay lumabas na sila ng bahay, nagkunwari silang sinasamyo ang malinis na hangin habang pinagmamasdan ang kabuuan ng paligid. Maganda naman talaga ang lugar, mapuno, hindi gaanong mainit at malamig rin ang simoy ng hangin.
"Grabe ate, ibang-iba ang hangin dito sa liblib kumpara mo sa malalaking bayan. Malinis at malamig."
"Tama ka Dong, tara punta tayo roon,parang maganda sa banda roon." Itinuro ni Esmeralda ang paanan ng bundok kung saan may malawak rin na palayan bago ito. Akmang lalakad na sila palayo nang pigilan sila ni Loisa na nang mga oras na iyon ay buhat-buhat na ang sinibak nitong mga kahoy.
"Kung nais niyo ay pasyalan, huwag kayong lalapit sa parteng iyan. Dito sa kabila, mas ligtas ang kabundukan rito." Wika ng babae. Napalingon naman si Esmeralda at pinag-aralang mabuti ang reaksyon ng babae.
"Loisa, ayos lang ba kung magpasama kami sa'yo? Kung hindi lang naman nakakaistorbo?" Tanongni Esmeralda at tila saglit na nag-isip ang babae. Mayamaya pa ay inilapag nito sa silong ng kubo ang bitbit na mga kahoy at humarap sa kanila.
"Mas maigi pa nga kung sasamahan ko kayo. Tayo na, habang maaga pa." Wika ni Loisa at nagpatiuna na itong naglakad, Nagkatinginan pa sila ni Dodong bago napangiti at sumunod sa likuran nito. Dinala sila ni Loisa sa kabilang parte ng kabundukan kung saan sinabi nitong mas ligtas.
Katulad ng sinabi nito, wala silang naramdamang mabigat na presensiya sa lugar, bagkus ay nakita nga nila ang kagandahan ng kagubatang iyon. Sa isang sapa sila dinala ni Loisa, kung saan ang agos ng tubig ay banayad, hindi tulad ng sa ilog. Mabato ang daluyan ng tubig habang sa gilid naman ay nagtataasang puno.
"Ang ganda naman dito Ate Loisa," puna ni Dodong at mapait na napangiti ang dalaga.
"Maganda sana, kaso—" naputol ang sasabihin niya nang tila may naalala. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Loisa at tumingin naman kay Esmeralda.
"Maiba ako, bakit naman dito pa kayo nagbakasyon, ang alam ko, hindi lang naman ang bayan namin ang may magagandang tanawin at pasyalan. Sana hindi nalamang kayo nagpunta rito," wika ni Loisa na halos pabulong na ang huli. Napangiti naman si Esmeralda at hinawakan ang kamay ng dalaga. PGkuwa'y lumapit siya sa mukha nito at bumulong, na siyang nagpamulagat naman sa mga mata ng dalaga.
"Si Lolo Goryo?" bulalas ng dalaga at napatango si Esmeralda.
"Humingi sila ng tulong sa amin, kaya kami narito. Hindi naman talaga bakasyon ang pakay namin, kun'di ang tulungan kayo na palayain ang bayan na ito." saad ni Esmeralda at halos hindi na nakapagsalita si Loisa. Nagpabalik-balik ang tingin niya kay Esmeralda at Dodong, bakas sa mukha nito ang pagdududa.
"Ate, magtiwala ka po, ikaw lang ang sinabihan namin dahil ang sabi sa amin, sa'yo lang kami dapat na magtiwala. Kaya ikaw lang din ang kailangan namin para makakilos sa misyong ito." Saad naman ni Dodong at tila doon naman nakahuma si Loisa. Maluha-luhang napayuko ito at nag-usal ng dasal ng pasasalamat bago hinarap ang dalawa.
"Kung si Lolo Goryo nga ang nagpadala sa inyo, sige, magtitiwala ako sa inyo. Pero ano ba ang plano?" Tanong ni Loisa at doon na inilahad ni Esmeralda ang plano nila, pero hindi na niya binanggit pa ang tungkol kay Mateo at Liyab.
Matapos maglibot ay sabay-sabay na rin silang bumalik sa tinitirhan nila. Pagdating naman ay nakasalubong nila ang unang lalaking bumara sa kanila noong unang pagdating nila sa bayan ng Pahunay.
"Paeng, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Loisa. Agad namang nabaling ang masamang tingin ng lalaki sa gawi ni Esmeralda at Dodong.
"Malamang dito ako nakatira, ba't nandito pa ang mga iyan? Hindi mo pa ba sila pinapaalis?" Supladong tanong nito. Agad naman napangiwi si Esmeralda at napakamot naman sa ulo si Dodong.
"Mga bisita ko sila, wala kang dapat na ipag-alala." Sagot ni Loisa at tinalikuran na ang lalaki.
Napaismid naman ito at napalatak.
"Naimpluwensyahan ka na rin ba ng pag-iisip ni Regan at ng iba? Nawawala na rin ba ang konsensya mo?" Kitang-kita ni Esmeralda kung paano napakuyom ng kamao ang lalaki habang tila pinipigilan ang galit na kumawala sa sistema nito.
Umiigting rin ang mga ugat nito sa leeg habang mabigat ang bawat hiningang pinapakawalan nito.
"Sabagay, simula nang mawala ang mga matatanda, paisa-isang nagiging duwag na ang mga tao rito. Nawala na ang dating bangis kahit ng berdugo. Mukhang nagiging jbang tao ka na rin Loisa. "
Isang tumataginting na sampal ang natanggap ng lalaki mula kay Loisa na ikinagulat naman ni Esmeralda at Dodong.
"Wala ka pa rin sa posisyon na magsalita ng gan'yan sa harap ko Paeng. Eh, ano naman kung katulad ko na rin ang pag-iisip ni Regan. Bakit kaya mo ba siyang harapin? Kaya mo ba siyang pigilan. Kung kaya mo, bakit hindi mo sila iligtas sa napipinto nilang..." Hindi naituloy ni Loisa ang sasabihin at nagkunwaring nagkamali lang ng sasabihin.
"Hindi ito ang tamang oras para mag-usap. Esme, Dodong pumasok muna kayo sa loob, kakausapin ko lang si Paeng." Pakiusap ni Loisa at tumango naman si Esmeralda. Hinatak na niya si Dodong papasok sa bahay na inuupahan nila at hinayaang mag-usap ang mga ito.
May tiwala si Esmeralda na hindi nito sasabihin ang anomang pinag-usapan nila kanina sa bundok. Alam din niyang mapagkakatiwalaan si Loisa dahil iisa lang naman ang layunin nila. Ang dahilan kung bakit hindi ito maaaring malaman ng kahit sino ay dahil hindi nila alam kung sino sa mga ito ang kontrolado ng hanagob. Ayon sa dalawang matanda, ilan sa mga manunugis ang nasa ilalim ng isang kulam. At tanging si Loisa lamang ang siguradong hindi apektado nito dahil sa proteksyong ibinigay ni Lolo Goryo sa dalaga noon pa man bago pa sila sakupin ng hanagob.
Halos ilang minuto rin bago makapasok si Loisa sa loob. Halatang nanggaling ito sa mainit na diskusyon. Namumula at halatang inis na inis ang dalaga. Nagpupuyos ang loob nitong umupo sa mahabang upuan sa loob ng maliit na sala ng bahay.
"Mamayang gabi, babawasan natin ang mga tagasunod niya. Hindi natin kailangang umalis dahil sila ang magkukusang lalapit sa bahay na ito." Wika ni Esmeralda na siyang nakakuha naman ng atensyon ni Loisa.
"Ngayong gabi?" Gulat na tanong ni Loisa at napangisi naman si Esmeralda.
"Malapit na angbkabilugan ng buwan hindi ba? Kung gano'n, uunahan na natin siya, bago sumapit ang kabilugan ng buwan, lulumpuhin natin ang kawal niya." Paliwanag ni Esmeralda at napatango naman si Loisa.
"Oo tama ka. Sige, maa maigi nga iyan. Maghahanda na ako. Ang mga gamit ko dadalhin ko rito ng paisa-isa."
Tulad ng sinabi ng dalaga. Paisa-isa nga niyang dinala ang mga sandata niya. Buntot-pagi, kampilan at puntal na gawa sa tanso ang mga iyon.
Matapos makita ang mga ito, napatango si Esmeralda at sinimulan na nilang lapatan ng orasyon ang mga iyon.
"Albularyo ka rin ba Esme?" Gilat na tanong ni Loisa habang manghang pinagmamasdan ang paglalapat niya ng usal sa mga sandata nila.
"Hindi, pero ang tatay namin, oo. Tinuro niya sa akin ito at nagagamit ko naman sa tuwing may laban ako. May alam rin ako ng kaunti sa panggagamot, ngunit mga simpleng bati at mga pisikal na sugat lang ang kaya ko. Hindi ko kaya ang ginagawang pagtatanggal ng yanggaw o ang pagtatanggal ng kulam o barang sa pasyente."
"Pero napakagaling mo pa rin, lolo ko si Lolo Goryo na isang albularyo pero hindi ko na natutunan ang mga ito. Mas itinuon ko kasi ang lahat ng oras at lakas ko sa pagsasanay at pagtugis sa mga aswang. Akala ko sapat na iyon, ngayon ko napatunayang tama si Lolo. Hindi natatapos sa pagiging malakas ang lahat, kailangan pa rin ng kahit kaunting kaalaman para magtagumpay sa kahit anomang laban."
"Ako naman ate, babaylan ang lola ko at may alam rin ako sa panggagamot. Pero mas gusto ko pa rin ang pakikipaglaban dahil doon ako masaya." Pambibida naman ni Dodong at nagkatawanan sila.