©WebNovelPub
Infinito: Salinlahi-Chapter 47
Chapter 47 - 47
Agad ding sumunod sina Ismael at Esmeralda sa loob ng bahay. Doon ay naabutan nilang tila lumong-lumo si Roger at nakayukyok sa sofa habang si Silma naman ay tila problemado.
"Ano ka ba naman Roger, hindi mo naman kailangang gawin iyon. Alam naman namin ang totoo at ang mga taong iyon, wala talagang magawa." Wika ni Silma habang patuloy na hinahaplos ang likod ng asawa.
"Nakakainis lang Silma, isang pagkakamali lang naman iyon, pero kulang na lang ay pagdusahan ko ito ng habang-buhay."
Parehong napahinto si Ismael at Esmeralda, nagkatinginan pa sila at hindi na nagpatuloy sa pagsunod. sa halip ay hinintay nilang matapos ang mga ito sa pag-uusap.
"Ano ba kasi ang ginawa mo, bakit ka nila kinuha. Ilang beses na akong nagtatanong, pero hindi mo naman ako sinasagot ng maayos. Paano ka namin maiintindihan, paano ka namin matutulungan?" tanong ni Silma, bakas sa boses nito ang pagkalito.
"Hindi ko naman sinasadya 'yon, hindi ko nga rin alam kung bakit ko nagawa iyon, ang huli kong natatandaan dinampot ko ang bata sa kuna niya dahil umiiyak siya. Ipaghehele ko sana tapos hindi ko na maalala. Nagulat na lamang ako na pinagagalitan na ako ni Tatay Mando tapos nagkakagulo na ang lahat. Hanggang sa magkasakit ako at kinuha na nila ako. Hindi ko talaga alam."
Nagkatinginan sina Esmeralda at Ismael at pareho pa silang napakunot ang noo dahil sa narinig. Walang pagsidlan ang nararamdaman nilang pagkalito nang mga oras na iyon. Tila bumalik sa nakaraan si Ismael at muling nakita ang eksena kung saan muntik nang mapat*y ni Roger si Esmeralda.
"Lalo akong naguguluhan Roger, ano ba talaga?" Ang impit na pag-iyak ni Silma ang siyang pumukaw sa atensyon ni Ismael, muli siyang bumalik sa kasalukuyan at nahimigan niya ang paghuhurumintado ng kaniyang kapatid.
"Ako man ay naguguluhan Silma, ang totoo niya, hindi pa ako lubos na pinapatawad ng mga kumuha sa akin, pinakawalan nila ako dahil nais nilang pakilusin kung sino man ang naging puno't dulo ng lahat ng ito." Saad ni Roger. Akmang may sasabihin pa ito nang bigla itong maudlot ng isang ginang ang lumabas mula sa kusina.
"Manay Silma, nailigpit na namin ang mga kalat sa kusina, uuwi na ako." Ani ng ginang na kalalabas lang.
"Ah, sige Manay, maraming salamat sa tulong niyo. Iaabot ko na lnag bukas ang bayad tulad ng napag-usapan natin. Magbalot ka na rin ng mga pagkain, para naman may madala ka sa mga anak mo."
"Sige, maraming salamat." Sambit ng ginang at saka umalis. Nang mapadaan naman ito sa harapan nila ay nagpaalam na rin sa kanila ang ginang.
"Amang ano sa tingin mo? Hindi kaya totoo ang sinasabi ni Tiyo Roger?" Tanong ni Esmeralda. Napapakunot ang noo ng dalaga dahil sa pagtataka.
"Hindi ko rin alam 'nak, maging ako naguguluhan sa mga pangyayari noon."
Hanggang sa gumabi ay naging palaisipan ang mga narinig nila sa mag-asawa. Hanggang sa makabalik sina Esme at Dodong sa bukid ay hindi pa rin ito mawala sa isip ng dalaga.
Pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi ay tinungo niya ang puno ng mangga. Doon ay muli siyang nagnilay kasama ang mga kaibigan niyang hindi nakikita.
"Ano ang bumabagabag sa iyo?" Tanong ni Liyab na agad namang lumitaw sa tabi niya. Nakaupo ito habang tila nagninilay ding katulad niya.
This 𝓬ontent is taken from fгeewebnovёl.co𝙢.
"Liyab,hindi ba't kasama na kita kahit noong sanggol pa lamang ako. Alam mo ba ang nangyari noon sa akin?Bakit pinarusahan si Tiyo Roger?" Tanong ni Esmeralda.
Nagkatitigan pa sila ay bahagyang napangiti si Liyab sa kaniya.
"Ang alam ko lang ay galit na galit ang aking angkan nang makita ang ginagawa sa'yo ng lalaking iyon. Kinuha ka niya sa babaeng nag-aalaga sa'yo, sa kuna mo kung saan komportable ka. Dinala ka niya sa isang lugar, lugar kung saan isang lalaki ang naghihintay, kung hindi dumating si Armando, paniguradong nagtagumpay na siya. Iyon ang nakita ko sa pangitain na pinakita sa akin ng mga nakatatandang Mahomanay." Kuwento ni Liyab.
"Pero bakit gano'n? Narinig ko ang usapan nila. Hindi raw niya alam ang nangyari, sabi pa niya, ipaghehele lang dapat niya ako, pero nang bumalik siya sa huwisyo, pinipigilan na siya ni Lolo." Wika naman ng dalaga. Maging ang binatang engkanto ay napakunot ang ulo.
"Liyab, isa pa sa gumugulo sa isip ko. Bakit ganoon na lang ang reaksyon ng mga engkantong kalahi mo sa ginawa ni Tiyo? Bakit gano'n niyo ako kung protektahan. Sino ba talaga ako?" Tanong ni Esmeralda.
Marahas na napabuntong-hininga si Liyab at hinaplos ang pisngi ng dalaga.
"Mahalaga ka sa amin kaya ka namin pinoprotektahan. Mahalaga ka sa lahat ng nilalang na nagiging kaibigan mo dahil ikaw si Esmeralda, dahil anak ka ng mga magulang mo." Tugon lang ni Liyab, tulad ng dati, wala pa ring sagot sa mga tanong niya kun'di matatalinhagang kataga lamang na lalong gumigising sa kaniyang kuryosidad.
"Sino ba sila? Alam kong kilala mo sila Liyab, pero bakit gano'n lagi ang sagot mo?"
"Hindi ka pa handa Esme, hintayin mo ang kaarawan mo at doon ko ipapaliwanag ang lahat sa'yo. Kitain mo ako sa lugar kung saan una tayong nagkausap noong anim na taon ka. Doon ko ihahayag ang katunayan ng iyong pagkatao."
"Handa para saan, Liyab?" Kunot-noong tanong ni Esmeralda. Halos magsalubong na rin ang kilay ng dalaga.
"Handa para sa tunay mong laban." Isang ngiti ang iginawad ni Liyab sa dalaga bago ito tuluyang naglaho sa harapan ni Esmeralda.
Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga nang makitang wala na ang kausap niya. Isinandal niya ang kaniyang likod sa katawan ng puno at napatingala sa kalangitan.
"Hay, sino nga ba talaga ako? At anong laban ba ang tinutukoy mo Liyab?" Halos pabulong niyang tanong. Ilang sandali pa siyang nanatili sa ilalim mg phno ngangga bago niya napagdesisyunang pumasok na sa loob at mahiga sa kaniyang higaan.
Kinabukasan, maaga pa lamang ay nasa bukid na si Esmeralda. Abala siya sa pagbubungkal ng lupa nang makita niya ang dalawang bulto ng tao nanpapalapit sa kanila. Napatayo pa noon si Dodong at tila inaaninag kung sino ang paparating.
"Ate, kilala mo ba ang mga iyan?" Tanong ni Dodong.
Napatayo na rin si Esmeralda at tiningnan ang mga bagong salta.
"Hindi, baka magpapagamot kay amang." Tugon naman ni Esmeralda. Dalawang matanda ang mga ito at mukhang naghahabol pa mg hininga ang mga ito.
"Magandang umaga ho, ano po ang atin?" Agarang tanong ni Esmeralda sa dalawang matanda.
Saglit na huminto ang mga ito at nagpahinga. Nang makabawi ay agad namang ngumiti ang mga ito.
"Magandang umaga rin ineng, nariyan ba si Ka Ismael, iyong albularyo?" Tanong ng matandang lalaki.
"Ah, wala ho rito si amang pero kung mahalaga po ang kailangan niyo, ipapatawag ko po siya."
"Mahalaga, ineng. Buhay ng marami ang nakasalalay rito. Maaari mo ba siyang ipatawag?" Tanong namang ng matandang babae.
"Dong, tawagin mo nga muna si amang."
"Sige , ate. Ako na po ang bahala. " Sagot ni Dodong at hindi na ito nag-aksaya pa ng panahon. Tumakbo na ang bata at mabilis na tinahak ang daan patungo aa bahay ni Ismael.
Inalalayan naman ni Esmeralda ang dalawang matanda patungo sa kaniyang kubo at pinaupo ang mga ito sa papag.
Maaga pa ng oras na iyon at sigurado siyang wala pang kain ang dalawa.
"Kumain ho muna kayo, nilagang kamote lang po iyan, mamaya po ay maghahanda ako ng kanin at ulam para naman maging maayos ang ating almusal. Pagtiyagaan niyo na muna ito." Alok ni Esmeralda. Napaluha pa ang matandang babae habang tinatanggap ang isang mangkok na puno ng nilagang kamote.
"Malaking bagay na ito ineng. Maraming salamat." Tugon ng matanda.
Pinaghatian ng dalawa ang mga kamoteng iyon. Nagsalin naman siya ng tubig sa dalawang baso at inilagay ito sa harapan ng dalawang matanda. Halatang gutom ang mga ito, hindi niya alam kung saan ang mga ito nanggaling at hindi rin siya sigurado kung ilang araw na ang kga itong naglalakad patungo sa kanila para lang hanapin si Ismael.
Nang matapos silang kumain ay tila nabunutan naman ng tinik ang dalawa. Agad ring nagpakilala ang mga ito bilang Diego at Rosa.
"Dati kaming albularyo pero dahil sa katandaan ay nilisan namin ang propesyong iyon at ipinasa sa aming mga tagapagmana." Panimulang salaysay ng lalaki, sakto namang g
Dumating na sina Dodong at Ismael nang magsimulang magkuwento ang mga ito.
"Ako ho si Ismael, anak ni Armando. Galing pa kayo sa ikatlong bayan mula rito? Tama ba?" Tanong ni Ismael.
"Tama ka , ikaw na nga ba si Ismael? Matutulungan mo ba ang bayan namin?"
"Ano ho ba ang nangyari, bakit kayong matatanda ang narito? Bakit hindi na lamang kayo nag-utos sa mas mga bata pa?" Tanong ni Ismael.
Umiling ang babae at inilahad sa harapan ni Ismael ang isang maliit na sisidlan na naglalaman ng mga maliliit na libro at mga medalyon.
"Wala silang magagawa. Lahat ng malalakas ay hawak nila sa leeg. Ang mga tulad naming matatanda ay itinatapon nila palabas ng sarili naming bayan. Ngayon, pinamumunuan na kmi ng kadiliman at magwawakas lamang ito kung magagapi ang nilalang na nasa likod ng lahat ng ito." Sagot ng lalaki.