Infinito: Salinlahi-Chapter 45

If audio player doesn't work, press Reset or reload the page.

Chapter 45 - 45

Pagdating sa bukid ay inilapag na ni Esmeralda ang mga pinamili nila sa kusina. Nakita niyang inilibot ni Luis ang mata sa palibot ng kubo niya.

"Maupo ka lang diyan. Maaari kang pumunta rito kung gusto mo, kung kailangan mo ng takbuhan. Sa tingin ko kasi, ikaw naman ang nakikita nilang laruan dahil sa paglambot mo. Siya nga pala, ako si Esmeralda, ito naman si Dodong. Pareho kaming ampon ni Amang Ismael." Wika ng dalaga.

"Ampon? Totoo nga na hindi ka tunay na pinsan ni Leslie? Totoo rin ba na ikaw ang dahilan kung bakit wala siyang ama?" tanong ni Luis at napalingon naman si Esmeralda sa binata. nawala ang atensyon niya sa ginagawa at saglit na napatulala sa binata.

"'Yan ba ang sinabi ni Leslie sa'yo?" Balik na tanong ni Esmeralda at napabuntong-hininga.

"Oo, ano, totoo ba 'yon?"

"Kung sasabihin ko bang hindi ko alam, maniniwala ka? Napapagod na rin akong magpaliwanag kaya ikaw na ang bahalang humusga." Kibit-balikat na wika ni Esmeralda at binalikan na ang ginagawa.

"Maiba pala ako, hindi ba't kaibigan mo ang mga nang-aaway sa'yo? Anong nangyari at bakit parang ikaw naman ang napag-t-tripan nila?" tanong ni Esmeralda at natahimik naman si Luis. Narinig nila ang pagbuntong-hininga ng binata at doon na sumabad si Dodong sa usapan.

"Hulaan ko, may pinapagawa sila sa'yo pero ayaw mong gawin, tama ba?" Tanong ni Dodong at nanlaki naman ang mag matani Luis sa narinig. Tama kasi ang hula ni Dodong. Alanganin pang napatango si Luis at napangisi naman si Dodong bago umiling.

"Hayaan mo lang sila, nasasabi lang nila iyon dahil hindi nila dinanas ang pinagdaanan mo nang mga panahon iyon." Wika naman ni Dodong.

"Kayo ba, hindi ba kayo galit sa akin? Paano niyo nagagawang kausapin ako na parang wala akong ginawang masama?" Nagtatakang tanong pa ni Luis.

"Napatawad ka na namin. Kung tutuusin nga, sobra-sobra ang naging parusa sa inyo ng nanay mo. Sino kami para magtanim pa ng galit sa inyo. Alam naman naming nagsisisi na talaga kayo at ramdam namin na sinsero kayo, sapat na iyon." paliwanag ni Esmeralda.

Nang araw ngang iyon ay tumambay si Luis sa bukid kasama sina Esmeralda at Dodong. Sa unang pagkakataon ay nagawa niyang makipagsalamuha sa mga tao, na noong una ay minamaliit niya.

"Hindi ko alam na ganito pala kasaya rito, nakakatuwa pala ang buhay niyo, kahit hindi ganoong karangya, masaya kayo. Naisip ko kasi noon, ang buhay niyo, parang patapon na, nabubuhay lang kayo para kumayod pero wala namang pinapatunguhan. Ngayon naiintindihan ko na. Salamt Esme, dahil pinaranas niyo sa akin ito. Ayos lang ba kung araw-araw akong pumunta rito? Gusto ko rin kasing maranasan ang magtrabaho dito sa bukid, mukha kasing ang saya niyo." Wika ni Luis na nagpangiti sa dalaga at kay Dodong. Halos sabay pa silang tumango at nagtawanan.

Updat𝓮d from freewēbnoveℓ.com.

"Oo naman, ikaw ang bahala. Pero ayos lang ba iyon sa mga kaibigan mo?" tanong ni Esmeralda.

"Hayaan mo sila, Hindi ba't sabi mo nga, kung tunay ko silang kaibigan, hindi dapat nila kinukuwestyon ang pagbabago ko, mas maigi na rin ito, malalayo ako sa gulo."

"Tama 'yan kuya Luis, dito ka na lang sa amin, mas marami kang magiging kaibigan rito na hindi ka iiwan kapag nasa alanganin kang sitwasyon," sabad ni Dodong at nagtanguan pa ang mga magsasaka.

Natapos ang araw na iyon na magaan ang loob ni Esmeralda. Nang gabing iyon, nakatanaw siya sa malayo at dinadama ang malamig na simoy ng hangin sa kalaliman ng gabi.

Sa isang iglap, lumitaw ni Liyab sa harapan niya. Nagitla naman ang dalaga at nasapo ang dibdib sa pagkagulat. Pakiramdam niya ay sandaling nahulog ang puso niya dahil sa pagkabigla.

"Ano ka ba naman Liyab, bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa harapan ko."

"Paumanhin kong nagulat kita Esme, napansin ko kasing napakalalim ng iniisip mo. May bumabagabag ba sa'yo?" Mahinahong tanong ng binatang engkanto.

"Wala naman masyado. Naisip ko lang, sino kaya ang mga magulang ko, ano? At kung ano ang dahilan bakit nila ako iniwan sa gubat. May nangyari kaya sa kanila? Ano ang nagtulak sa kanila na iwan ako?" Tanong ni Esmeralda.

Nang mga sandaling iyon ay natigilan na si Liyab, matama siyang napatingin sa dalaga. May kung ano sa mga mata niya na tila may nais sabihin.

"Sa tingin mo, may pag-asa pa kayang makita ko sila? Kahit makilala lang man sana. At maunawaan ko ang lahat. Wala naman akong sama ng loob, sa katunayan, naging masaya naman ako sa buhay ko. Sadyang kulang lang dahil hindi ko sila kilala." Nakangiting wika ni Esmeralda.

"Sa tingin ko, may takdang panahon para doon. Hayaan mong ang tadhana mo ang magdala sa'yo sa katotohanang iyon." Sagot ni Liyab at napangiti naman si Esmeralda. Tulad nang dati, matalinhaga pa rin ang kasagutan ng binata.

"Hay, kahit kailan talaga, hindi ko maarok ang matatalinhaga mong sagot. Sige na nga, wala naman akong magagawa. Pero alam kong may alam ka, kung hindi pa ito ang tamang panahon, irerespeto ko iyon." Wika ng dalaga at natawa naman si Liyab.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay umalis na rin si Liyab sa harap niya. Nagmistula itong liwanag bago naging isang uwak at lumipad palayo. .

Bumuntong-hininga si Esmeralda at saka tumungo sa kaniyang maliit na silid para makapagpahinga.

Lumipas pa ang isang linggo at isang hindi inaasahang bisita ang dumating bahay ni Ismael na siyang nagpagulat sa buong pamilya.

"Roger? Ikaw nga ba 'yan?" Puno mg gulat na tanong ni Silma nang makita ang asawa. Malaki ang ipinayat nito na tila ba batak sa trabaho. Parehong hindi makapaniwala si Silma at Ismael sa kanilang nakikita. Maging si Armando ay nagitla nang makita ang lalaki.

"Silma, ako ito."

"Buhay ka? Paano? Napakatagal mong nawala, akala ko wala ka na, akala namin pat*y ka na. Bigla ka na lang nawala nang parang bula." Hindi na napigilan ni Silma ang maluha. Bagaman may katigasan ang puso nito at naiyak pa rin ito nang makita ang kaniyang asawang humigit-kumulang dalawapung taon nang nawawala.

"Napakahabang kuwento, sasabihin ko ang lahay. Pero puwede bang kumain muna? Gutom na gutom na kasi ako at nauuhaw." Wika ng lalaki. Nagkukumahog namang inaya ni Silma si Roger sa kusina at agad na pinagsilbihan ito.

Tila isang pulubing gutom na gutom si Roger at naiiyak na lang na tumitingin si Silma sa sinapit ng asawa. Hindi naman kumibo si Ismael at matiyagang naghintay na matapos kumain si Roger.

Nang matapos ito ay pinagpahinga na muna siya sa sala at doon niya isinalaysay ang totoong nangyari sa kaniya.

"Ibig mong sabihin, may kumuha sa'yo? Sino? At paano ka nila nakuha gayong nasa loob ka naman ng bahay, wala kaming nakitang tao na pumasok." Tanong ni Silma na halatang naguguluhan.

"Hindi tao. Mga nilalang. Mga itim na nilalang, nakakatakot. Kinuha nila ako dahil naipataw na raw ang parusa sa mga kasalanan ko." Nanginginig na wika ni Roger. Panay din ang ikot ng mata nito sa paligid, animo'y may kinakatakutan.

"Mga nilalang? Saan ka nila dinala?"

"Hindi ko alam kong saan, pero napakaganda mg lugar na iyon. Pero dinala nila ako sa isang madilim na kuweba doon, pinagtrabaho nila ako ng halos isang daang araw."

"Anong isang daang araw? Dalawapung taon kang nawala, isang daang araw? Kuya, ano bang pinagsasabi ni Roger?" Tanong ni Silma nang bumaling kay Ismael.

"Isa lang ang sagot diyan, mga engkanto. At ang kuweba pinasukan mo ay may mabagal na pag-ikot ng oras. Isang daan araw, katumbas ang dalawampung taon dito sa mundo ng mga tao." Simpleng sagot ni Ismael, tinitigan niya ang mga mata ni Roger at napansin niyang wala namang mali roon. Hinawakan din niya ang palapulsuhan nito at normal din iyon. Kumuha siya ng insenso at pjnabaga ang uling sa isang maliit na kaldero, naglagay siya roon ng tatlong piraso ng insenso at pinausukan ang lalaki. Gamit ang langis na ginagamit niya para sa mga nabati ng mga engkanto, hinaplasan niya ang lalaki habang may kung anong ibinubulong sa hangin.

Walang naging reaksyon si Roger kaya napatunayan niyang tunay nga ito.

"Ano kuya, si Roger na nga ba ito?"

"Oo, si Roger na iyan. Ang mabuti pa pagaphingahin mo muna siya, paliguin mo at bihisan para maging komportable siya. Pagkatapos, ipasuot mo ito sa kaniya para magjng proteksyon niya." Iniabot ni Ismael ang isang kuwentas kay Silma. Tinanggap naman ito ng ginang saka dali-dali nang nilisan ang sala. Naiwan doon si Armando at Ismael na nagkatinginan pa.

"Ano sa tingin mo Itay?"

"Hindi ako mapalagay. Pero sa kabilang banda, natutuwa akong natapos na ang parusa niya. Sana lang, dahil sa nangyaring ito, matanggap na ni Silma si Esmeralda. Ayokong dumating ang araw na siya mismo ang makaranas ng dinanas ni Roger sa mundong iyon.

"Ako rin Itay. Siyanga po pala, malapit na ang ika dalawampu't isang kaarawan ni Esme, gusto ko sanang maghanda kahit doon lang sa bukid. Siguradong matutuwa ang mga magsasaka lapag magpapakain tayo. " Wika ni Ismael, may sabik at ngiti sa labi nito at natawa naman si Armando.

"Sakto talaga ang araw na iyon sa paani, oo naman isabay na rin natin ang taonang pakain sa mga magsasaka. Minsan lang naman magdiwang ng kaarawan ang batang iyon." Sang-ayon ni Armando sa anak.

RECENTLY UPDATES
Read The Prodigies War
ActionAdventureFantasyMartial Arts
Read Shrouded Seascape
ActionAdultAdventureFantasy
Read Nightmare Assault
HorrorMysteryPsychologicalSupernatural
Read L*ck Me If You Can
AdultDramaFantasyMature
4.5

Chapter 90

2 minutes ago

Chapter 89

2 minutes ago
Read I Can See Through Everything
AdventureSupernaturalXuanhuanMartial Arts