©WebNovelPub
Infinito: Salinlahi-Chapter 59
Chapter 59 - 59
Matapos makuha ang mga gamit nila, dali-dali na rin nilang nilisan ang baryong iyon. Pagdating naman nila sa kasunod na baryo ay naabutan pa nilang tila nag-iiyakan at nagluluksa sina Loisa.
"Iilan sa mga kasama nila ang huwad, akala pala nila ay marami pa sila ang natira, tingnan mo, kakaunti na lang talaga sila. Grabe ang ginawa ng hanagob sa kanila." Malungkot na wika ni Mateo, hawak pa rin nito sa kamay ang kaniyang itak na may bahid pang itim na dugo. Habang nasa kabila naman ang isang uri ng baging na maihahalintulad mo sa hawak kanina ng dalawang engkantong gabay nila.
Marahas na napabuntong-hininga si Esmeralda at nilapitan si Loisa. Niyakap niya ito at hinagod ang likod ng babae.
"Esme, wala na sila! Akala ko, matatapos ang gulong ito na magkakasama pa rin kami, pero hindi pala. Lahat ng iyon ay pawang mga nais ko lang,kasi ang totoo, matagal na silang wala." Humagulgol si Loisa at hinayaan lang ito ni Esmeralda na maglabas ng sama ng loob. Napatingin pa siya sa kinaroroonan ni Paeng na noo'y nakasalampak rin sa lupa habang nakasabunot sa sarili nitong buhok.
Sumasama ang pakiramdam niya sa nakikitang sitwasyon. Alam niya ang pakiramdam na umasa sa isang bagay na matagal nang hinahangad, ngunit sa bandang huli, mabibigo pa rin pala. Matagal rin bago nahimasmasan ang natitirang grupo ni Loisa. Halos nasa apat na lang pala silang natitira, ang iba ay namat*y dahil sa pag-atake ng mga huwad, hindi nila iyon inaasahan at nahuli ang reaksiyon ni Mateo kaya marami pa rin ang nabawas sa kanila.
"Maraming salamat sa tulong niyo. Marami man ang nasawi dahil sa labang ito, natutuwa pa rin kami dahil sa wakas, naipaghiganti na rin namin ang mga buhay na kinuha sa amin. Nabigyan na rin namin sila ng hustisya. Hindi talaga kami nagkamaling lumapit sa inyo." umiiyak na wika ni Lolo Goryo.
"Walang anoman ho, lolo. Natutuwa kaming makatulong sa inyo. Nawa'y matagpuan pa rin ninyo ang kapayapaang matagal na ninyong hinahangad."
Read 𝓁atest chapters at fгeewёbnoѵel.cσm Only.
"Ano na ang plano niyo ngayon? Mananatili pa rin ba kayo rito?" Tanong ni Mateo. Umikot ang tingin niya sa mga naroroon. Nasa walo na lamang sila kasama ang dalawang matanda. Nagkatinginan naman ang mga ito at tila ba walang maisagot sa tanong na iyon.
"Bakit hindi na lamang kayo sumama sa amin, malawak ang lupang pagmamay-ari ni Lolo Armando at siguradong hindi niya kayo hihindian kung sakaling mapagdesisyonan niyong doon manatili." suhestiyon ni Esmeralda at tumango-tango naman si Dodong.
"Tama, doon na lang kayo, masaya sa lugar namin. Malawak ang bukid, maraming gagawing, hindi kayo mabuburyong at magagawa rin ninyong magbagong buhay at maging masaya ulit doon." Sang-ayon naman ni Dodong.
"Ayos lang ba talaga?" Tila nahihiya pang tanong ni Lolo Goryo.
Nakangiting tumango si Esmeralda, sandali silang nagpahinga sa maliit na kubo na tinutuluyan ng matatanda matapos mailibing ang kanilang mga kaanak at kaibigang nasawi. Hindi na sila nakatulog pa at nakaupo lang habang hinihintay ang pagsikat ng panibagong araw sa buhay nila.
Sa unang pagtilaok ng manok, hudyat ng bagong umaga. Nagsimula na rin silang maghanda. Tuluyan nang sumikat ang araw nang makaalis sila sa bayan at nagsimulang tahakin ang daan pabalik sa Bayan ng Luntian. Tirik na ang araw sa katanghalian nang marating nila ang Bayan ng Luntian lulan ng dalawang traysikel. Huminto sila sa harap ng bahay ni Armando, bumaba at agad na silang inalok ni Esmeralda na pumasok.
Sakto namang pagbukas ni Mateo ng tarangkahan ay bumungad sa knaila si Roger na noo'y kakapabas lang din ng bahay. Nakatayo pa ito sa balkonahe habang nagsisindi ng sigarilyo.
Nagkatinginan pa si Esmeralda at Roger at doon na napakunot-noo ang dalaga.
Ito ang unang pagkakataong nakaharap niya si Roger at hindi maganda ang pakiramdam niya. Simula kasi nang dumating ito sa bahay nila ay hindi na siya nagagawi roon. At kung nakakadalaw naman siya ay palaging wala ito o 'di kaya naman ay nasa loob ito ng kuwarto at hindi lumalabas.
"Ikaw na ba si Esmeralda? Dalaga ka na pala. Wala si Kuya, mamaya pa ang balik at may ginamot sa kabilang purok. Sino iyang mga kasama mo?"
"Gano'n ba, si Lolo Mando, nariyan ba?" Tanong niya.
"Nasa loob..."
Hindi na niya hinintay ang susunod pa nitong sasabihin at agad na pumasok. Naabutan niyang nagkakape si Armando sa sala habang nakikinig sa paborito nitong drama sa radyo.
"Esme, nakabalik ka na pala. Kamusta ang naging misyon mo?" Masayang tanong ng matanda.
"Mano po lolo." Kinuha ni Esmeralda ang kamay ng matanda at nagmano. "Maayos ang anging misyon, tagumpay po kami, siya nga po pala lo, kaya po ako narito kasi magpapaalam sana ako. May mga kasama akong mga manunugis galing sa bayang iyon, wala silang matutuluyan at nais nilang magbaging buhay. Naisip ko na dahil malawak naman ang lupa natin sa bukid, kung ayos lang po, doon ko po sila patutuluyin."
Kumislap ang mga mata ni Armando dahil sa narinig. Pinaupo niya si Esmeralda at tinapik-tapik ang kamay ng dalaga.
"Mabuti naman at naisip mo iyan apo. Kung mga manunugis sila, malaki ang maitutulong nila sa baryo natin. Kaya syempre papayag ako. Malaya silang magtayo ng bahay sa lupa natin. Tama doon sa bukid, malapit sa kubo niyo ni Dodong. Magandang ideya iyang naisip mo hija, natutuwa ako." Masayang wika ng matanda.
Napangiti naman si Esmeralda at inalalayan na ito palabas ng bahay upang ipakilala ang mga kasama niya.
"Magandang tanghali din ho Ka Armando. Ako si Goryo ito naman ang kapatid kong si Laura. Ito naman ang aking apo, si Loisa at mga kasama niya, si Paeng, Hulyo, Ruben, Helen, at Lando. Lahat sila mga manunugis." Itinuro ni Goryo isa-isa ang mga kasama niya.
"Kinagagalak ko kayong makilala. Natutuwa naman ako at pinaunlakan niyo ang alok nitong apo ko. Tulad nga ng sinabi ko sa kaniya, malaya kayong manirahan sa lupa ko doon sa bukid. Si Mateo na rin ang bahalang mag-asikaso ng mga gagamitin niyo sa pagtatayo ng mga bahay ninyo. Marami tayong magagamit riyan."
"Naku, maraming salamat po sa mainit na pagtanggap sa amin. Hayaan po ninyo at tutulong po kami sa kahit anong bagay na kaya namin."
"Iisa ang ating larangan kaya marapat lang na tayo ay nagtutulungan. Sige na, humayo na kayo at para makapagpahinga na rin. Mateo, Esme, kayo na ang bahala sa mga bisita natin. Papupuntahin ko na lang mamaya roon ang amang mo."
"Sige po lo, tutuloy na ho kami."
Matapos magpaalam ay naglakad na ulit sila patungo sa bukid. Nang marating nila ay diretsong tinuloy na nila ang kubo ni Esmeralda.
"Ang ganda pala rito sa inyo Esme." Puna ni Loisa. Sinasamyo pa ng dalaga ang sariwang hanging dumaraan sa kanila.
"Maganda talaga rito ate, kaya hindi kayo magsisisi na dito kayo titira kasama namin." Masayang wika ni Dodong. Nagkatawanan naman sila. Ibinaba na nila ang gamit nila sa papag na nasa labas ng bahay. Ang ibang kalalakihan naman ay doon na tumuloy sa bahay ni Mateo habang ang dalawang matanda at sina Helen at Loisa naman ay doon na sa kubo ni Esmeralda.
"Ang saya talaga ng bahay kapag marami tayo." Sabik na wika ni Dodong.
"Talaga Dong? Pero bakit ayaw mo doon sa bahay ni Lolo." Birong tanong ni Esmeralda kahit alam naman niya ang sagot.
"Nge, ayoko do'n ate, maingay kasi si Tiya Silma, tapos laging galit ang anak niya. At mas lalong ayaw ko doon sa asawa niya. Parang laging hindi gagawa ng mabuti." Nakangiwing tugon ni Dodong na ikinatawa naman ng dalaga.
"Oo nga pala, Esme, salamat nga pala dahil hinayaan mo kaming manirahan dito. Sadyang napakabait ng pamilya mo." Wika ni Loisa.
"Mabait talaga sila ate, maliban sa isa at sa pamilya niya. Pero kung si Lolo at tatay Ismael, mababait ang mga iyon."
"Dodong talaga. Pero tama naman, mabait si Lolo Armando at amang. Tulad ng lolo mo, isa ring albularyo si amang at dating albularyo naman si lolo. Si Tiya Margarita naman, minsan lang kung dumalaw rito." Paliwanag ni Esmeralda.
Hapon ng araw ding iyon ay dumating si Ismael. Nagkausap ulit ito at ang dalawang matanda at napaglasunduan nga nilang magtayo ng bahay para sa mga manunugis doon.
Kinaumagahan naman ay nagsimula na ring magtulong-tulong ang mga ito sa pagkuha ng mga gagamitin sa pagtayo ng bahay. Halos isang linggo rin ang binuno nila para maitayo ang tatlong magkakasunod na kubo sa tabi lang din ng kubo nina Mateo at Esmeralda. Nagmistulang maliit na komunidad ang kanilang lugar dahil doon.
Mas naging masaya rin si Dodong dahil kahit papaano ay mas marami siyang nakakasalamuhang tao bukod sa mga mambubukid at kay Mateo at Esmeralda.